Si Ate Leonie - Ito Ang Simula

                Hindi ko na siguro dapat pang simulan ang kwento ng buhay ko nung ako ay ipinanganak. Sa palagay ko katulad din ng inyong mga ina, natuwa din naman siguro sila na makita akong inilapat sa tabi nya. Malamang marami rin naman ang natuwa at sinabihan akong cute baby girl. Hindi lang siguro ninyo sila kilala at pwede rin ay, wala na sila sa mundong ito. Napaka espesyal siguro ng araw na iyon para sa aking ama at ina dahil hindi ko maalala kung paano sila nag react nung makita nila ang kanilang anak. Sabagay, hindi pa uso ang digital camera.
Itago nyo na lang ako sa pangalang Leonila, ang babaeng parang lalake. Para maituwid ko lang ang inyong mga imahinasyon. Hindi ako tomboy. Isa akong tunay na babae na kailangang maging matatag at matapang. Ayoko man na tawagin akong “Ongka” pero kung yan ang naaalala ninyo na pangalan ko, ay wala akong magagawa. Gawa ng makita ako ng lola ko ay inihalintulad nya ako sa isang shell na matatagpuan sa Bito River – Ongka. Akala nyo lang panget, pero hindi. Hindi ko lang alam kong ano ang tinira ng lola ko noon at napagtripan akong tawaging ganun.
Sabi pa nga ni Ka Freddie, “Dumaan pa ang mga araw…” nag dalaga at nagkamalay na ang bida ng kwentong ito. Nakapag aral ako sa Leyte Colleges sa kursong AB Political Science. Ito naman kasi yung ambisyon ko, pumasok sa politics at maging isang sikat na politician. Kung suporta ang pag-uusapan, ay nandyan ang aking ama para mapag aral ako. Hindi mo naitatanong, meron kaming malawak na lupain na minana ng aking ama sa kanyang mga magulang. Syempre, buhay college ang Leonila dahil mahirap naman magmukha kang yaya sa campus. Malay ba nila kung ano ang itsura ng bahay namin. Basta pag may nagtanong kung taga saan ako, iba na ang gusto kong pag usapan. Oo nga pala, boarding house pala ang tinitirhan ko dati sa Tacloban, syempre ang mga gamit ko, noon pa man ay original na lahat. Anak ng potah naman, kinakati ako pag fake ang gamit ko eh.

Kapag araw ng Byernes, syempre uuwi ako sa amin para magparamdam sa mga magulang ko. Sa gawa nga naka uniform pa ako, kailangan doon ako sa bahay ng baranggay captain bumaba. Ano ka ba? College student ka tapos doon ka sa sira-sirang bahay baba-ba? Panira naman yan sa suot ko. Kahit maglakad pa ako pabalik ng bahay namin, carry lang yun basta alam ng mga kasakay ko sa motor, bongga ang mansion namin.
Sa kasamaang palad kailangan kong huminto sa pag-aaral. Sinabi ko sa mga classmate ko na baka hindi na ako maka balik sa school dahil inaasikaso na namin ang aming papeles papuntang states. Syempre pag ako ang nagkwento, normal lang sa kanila na maniwala. Paiyak iyak pa nga yung iba kong classmate dahil for sure daw, ma mi-miss nila ako. Ay dapat lang, kasi naman ngayon lang ata silang may nakasamang society girl. Yan ang tawag dati sa mga babaeng nag yoyosi – society girl.
Dahil sa kahirapan ng buhay, naitigil na ang scholarship program ng aking ama at hindi na ako nakabalik sa pag-aaral. Kalam ang sikmura talaga at naisip kong hindi pwede ang ganito. Kailangan ko nang kumilos at kung hindi dedo ang show nito. Kaya naman, pinasok ko ang pagiging vendor ng ice candy. Talagang ready ako nung araw na iyon. Todo ang costume ko dahil syempre maglalako ka ng ice candy sa ilalim ng sikat ng araw? Baka mag Ms. Africa ang beauty ko. Kaya nga hindi ako naging farmer dahil ayaw ko ang kulay black. Hindi pa nadiscover yung Likas Papaya dati eh.
Nagreport na ang bida sa may-ari ng ice candy corporation. Napagkamalan akong ninja dahil sa attire ko. Muntik na akong hindi ma-hire kasi daw baka matakot yung mga tao dahil mata lang ang nakikita nila sa akin. Sinabi ko na mahirap naman na mabilad ako sa araw. Magkano lang naman ang kikitain ko sa ice candy ninyo. Kung ayaw ninyo eh, di wag nyo! Potah naman ako na nga itong namamasukan, pati pa ba attire ko pakialaman nyo. Inggit lang kayo dahil original itong suot ko.
Hindi ko naman namalayan na mainit pala pag sobrang balot kaya tinanggal ko na lang yung ninja ko sa ulo ko. Syempre pagnaglalako ka ng ice candy sa kalsada dapat alerto ka sa mga bibili. Ako naman, alerto ako sa mga kaibigan ko. Ayokong makita nila akong street vendor. Ano ka? PolScie ito! Akala nyo basang sisiw? Isang araw habang naglalako na ako ng ice candy, may tumawag sa akin. Pak! Kaibigan ko. Tinatawag ako ng walang pakundangan na akala mo masarap ang binebenta kong ice candy na kailangan nya talagang makakain. Bigla akong tumalikod, kunwari hindi ko sya narinig. Yung potah, talagang tawag pa rin ng tawag. Kahit pakyawin nya pa ang tinda ko, pero hindi pwedeng makita nya akong nagbebenta ng ice candy.
Salamat naman at day-off ko at hindi ako ngayon magbebenta ng ice candy. Nakatulong naman talaga sa akin ang kinikita ko sa paglalako ng ice candy. At least hindi na ako masyadong umaasa sa mga bigay ng tao. Bakit ba napaka swerte ko ng araw na iyon. Nagkataon na pumunta ako sa bahay ng friend ko kasi fiesta sa kanila. Akalain mo, nandun din yung baliw ko na kaibigan na gustong bumili ng ice candy. May sayad talaga sya, kasi sabi nya parang nakita nya daw ako nagbebenta ng ice candy kaya gusto nyang bumili. Sabi ko naman, bakit naman ako magbebenta ng ice candy? Itong mukha na ito? Magbebenta ng ice candy? Napilitan nga lang akong pumunta dito sa fiesta kasi deboto ako ng santo dito eh. Tinanong ko sya kung bakit sya nandun sa bahay, wala siguro silang makain kaya sa fiesta na lang nya inaasa ang kalam ng sikmura nya. Hindi nya lang alam pareho kaming mahilig sa fiesta at gutom na gutom na nung mga oras na iyon.
Sa totoo lang, hindi naman ako mahirap pakisamahan. Basta alam mo lang ang brand ng sigarilyo ko at bibigyan mo ako ng original na mga damit, magkakasundo tayo. Dove pala ang paborito kong sabon ha. Baka naman katulad ka sa ibang abroad dyan. Naalala ko tuloy may isang abroad na binigyan ako ng Safeguard. Ano ‘to? Sana Perla na lang binigay mo, alam mo naman na allergic ako sa mga pekenes eh.
Tingnan natin kung meron pa akong next episode dito. Hindi masama mag patawa ng tao basta alam mo ito ang kwento ng buhay ko. Ako nga pala si Leony – imported lang ang tinatanggap ko. Dahil ba si pinanganak akong ambisyosa at mataas ang lipad

Comments